“ WIKANG FILIPINO: ITO NGA
BA’Y NAWAWALA NA? O HAKA-HAKA LAMANG? ”
Mahal
kong kapwa Pilipino, ikaw na nagbabasa nito? Ikaw ba’y isa sa mga taong pabor
na tuluyan ng kaligtaan ang wikang Filipino? Ikaw ba ay isa sa mga Pilipinong
gumagamit ng salitang ito pero hindi pa lubusang maalam dahil ibang wika ang
kinagisnan? O isa ka sa mga Pilipinong kayang ipabangon at ipaglaban ang wikang
Pambansa? Alin ka dito sa nabanggit o andito ka bas a nabanggit? Subalit gaano
nga ba katotoo na nakakalimutan na ang ating wika? Halika’t atin alamin.
Ang wikang filipino ay katutubong wika
na ginagamit ng mga Pilipino sa buong Pilipinas para makipag-komunikasyon.
Ngunit sa pagdaan ng maraming taon, kakaunti nalang ang mga Pilipino na
gumagamit nito. Sapagkat marami na ring mga iba’t ibang wika ang natututunan ng
mga Pilipino gaya ng Ingles. Ayon sa nabasa kong artikulo, ilang mga magulang
mismo mismo ang may kagustuhan na gamitin ng kanilang anak ang wikang Ingles
upang ‘di sila mapag-iwanan at sa gayo’y makipag-ibang bansa. Hindi ko minamasa
ang mga iba’t ibang wika na dumarating sa ating bansa ngunit sana ay mas
alalahanin natin na sa oras na sanayin natin sa ibang wika ang ating sarili ay
makakalimutan na natin ang ating wikang Pambansa.
Ipinatupad
noong Marso 17,2003 na pangalawang wika sa pagtuturo sa pribado at pampublikong
paaralan hanggang sa itinuro na nga ito sa sekundarya. May angal naman dito ang
mga mahihirap na nahihirapang makipagsabayan sa ibang mag-aaral kaya mas gusto
nilang gamitan ang wikang Pambansa. Sabi rin ng isang Professor, na ang hakbang
na ito ang pumipigil sa pag-unlad ng mga panitikang Pilipino at wika. Gaya nalang
ang nangyayari ngayon na nanganganib ang ating asignaturang Filipino sa
Kolehiyo, hindi sapat na batayan na tayong mga Pilipino ay kailangan sa ibang
bansa para lamang sa ating angking kakayahan bagkos sana isipin nilang paano
natin mapapauunlad ang ating bansa at wika.
Base
sa iba’t ibang panayam ng mga Pilipino, mayroon pa ring ang gustong ipaglaban ang
wikang Filipino at asignaturang Filipino upang hindi ito lubusang mawala sa
ating bansa. Sila ang sumisimbolo ng tunay na pagka-Pilipino at kahit man lang
sa simpleng paraan ma-aplay natin ito sa pang-araw-araw na gawain.
Ang
layuning ng wikang Filipino sa ating mga Pilipino ay pinagbuklod-buklod nito ang
nakaraan, ang kasalukuyan at hinaharap. Sa pamamagitan nito mapapanatili natin
ang sinimula nilang kultura at tradisyon dito sa Pilipinas.
Sabi
pa nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang hindi mag-mahal sa sariling wika, daig pa ang hayop
at malansang isda”. Hanggang inaawit natin ang ating pambansang awit, nakatingala
tayo sa watawat at tayong mga Pilipino ay nagkakaisa, ito’y isang malaking
bagay na nagpapatunay ng pagrespeto sa ating pagka-Pilipino.

Sang ayon ako sa blog na ito, dapat natin na itangkilik ang sariling atin at dapat hindi tayo maging dayuhan sa sarili nating bansa.
TumugonBurahin